Sino lang ba ang may karapatan na magdecorate sa pasko?!!! Yun lang bang merong mga anak?!! Plano ko kasing bumili ng christmas tree pero at the back of my mind sayang lang ang pera pambili. Wala pa naman kaming mga chikiting so walang makaka appreciate sa christmas tree. Gusto kung magpaka positive. This year kami nagkaroon ng bahay, so dapat lang talaga magcelebrate kami para masaya naman. I'm sure ganito din ang feeling ng aking husband, medyo nanghihinayang sa perang pambili. Meron din naman din alternative na decoration. Meron mga flowers kahit ano basta pula hehehe, or mga santa.... yung mga ornaments lang... Pero parang kulang ano kung walang tree. Well, abangan nalang. Bukas pa talaga kami magdedecide kung bibili ba kami or hindi. Depende nalang sa mood namin. Isa lang ang sure ako pwede na kaming bumili ng sofa at bed frame. Ilang months narin kaming nagtitiis na walang frame ang matress namin eh. Nag iipon pa kasi. Walang budget. So super excited ako sa good news na ito. Meron naring mauupuan ang mga bisita namin sa bahay na medyo maayos ayos na sofa. Merry Christmas nalang sa inyo mga kapatid! Sana kompleto din ang pamilya ninyo sa pasko. God Bless!
Monday, December 6, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment